Tuesday 5 June 2012

Kaligirang Pangkasaysayan ng Tula

Kaligirang Pangkasaysayan ng Tula Sinaunang Panahon Ayon sa pananaliksik nina Tumangan, Alcomtiser ang matandang panulaan ng Pilipinas ay masasabing karugtong ng mga unang kultura ng Timog Silangang Asya. Karaniwan sa mga kantahin at berso ay tungkol sa mga gawaing makaDiyos, tahanan, bukid, dagat, kaligayahan, kasaganaan at iba pa. Masasabing likas na mga makata ang ating mga ninuno. May mga tula at awit sila sa lahat ng okasyon ng kanilang buhay. Patula nila kung bigkasin ang mga bugtong, ang mga salawikain at maging mga kasabihan. Ang mga bugtong, ayon kay Lope K. Santos ay siyang kauna-unahang katutubong tula. Ito'y ang paghahanay ng mga piling salita na nagsasaad ng talinghaga at masasagot sa pamamagitan ng panghuhula. Ang salawikain at mga kawikaan ay mga patula rin. Naglalaman ito ng mga paniniwalang panlipunan, pilosopiya at mga minanang kapaniwalaan. Panahon ng Kastila Nang matuto ang mga misyonerong Kastila ng wikang Tagalog, una nilang pinagtuunan ng pansin ang pagsusuri ng mga panitikang nakasulat ng ating mga ninuno. Pinili nila ang mga panitikang sa kanilang palagay ay makatutulong sa kanila sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Nakita nilang ang mga katutubo ay mahilig tumula at bumigkas ng mga tugma. Nahilig din silang umawit kaya ang lahat halos ng mga pang-araw-araw nilang mga gawain ay naisasagawa nila nang may angkop na awitin. Dahil dito, ang mga tula ang unang kinakitaan ng pagbabagong-bihis. Ang mga sinulat na tula ng mga paring Kastilang misyonero ay maiikli sa simula ngunit habang tumatagal ang mga ito ay nadagdagan ng mga taludtod. Nagsimula sa dalawang taludtod hanggang sa umabot nang lilimahing taludtod. Nanatili ang sukat at tugma sa kanilang mga tula kaya hindi nawala ang indayog sa panulaan nang panahong ito. Ang dating mga tulang katutubo na nakasulat sa matandang baybaying Alibata ay sinulat ng mga misyonero sa alpabetong Romano. Kasabay ng pagsulat sa alpabetong Romano ng mga tulang katutubo ay pumasok na rin sa panulaang Tagalog ang ilang mga salitang Kastila. Nawala ang talinghaga sa panulaan dahil sa layuning huwag maipagkamali ng mga mambabasa ang mensaheng panrelihiyon at pangkagandahang-asal. ANG MGA MAKATA NG PANAHON ng amerikano 1. Padre Francisco Blancas de San Jose. Kinilalang ama ng tipograpiya sa Pilipinas sapagkat aklat niya ang unang nalimbag sa paraang tipograpiko (isang uri ng paglilimbag). 2. Alonzo de Santa Ana. Siya ang may-akda ng aklat ng Explicacion de la Doctrina Cristiana en la Lengua Tagala na nagtataglay ng mga tugmang nagpapaliwanag sa mga aral ng Diyos na nakapaloob sa aklat na Doctrina Cristiana. Ang kanyang mga tula aya ganap na umiwas sa talinghaga upang maihatid nang tiyak ang diwang nais iparating ng tula. Kinilala niya ang pagiging maanyo at masining ng tula kaya siya ay kumilala sa sukat at tugma ng panulaang Tagalog. 3. Pedro de Herrrera. Isa siyang makatang nakilala dahil sa kanyang mga dalit. 4. Fernando Bagongbanta. Ang mga tula ni Bagongbanta ay napalimbag at natipon sa Memorial de la Vida Cristiana kasama ng mga tula ni Blancas de San Jose. Isa si Bagongbanta sa mga tinawag na ladino noong panahong iyon. 5. Tomas Pinpin. Ama ng limbagan sa Pilipinas. Siya ay binabanggit pa rin bilang isa sa mga ladinong kasama nina Blancas de San Jose at Bagongbanta. Ang Como con Dios ay isa sa mga tulang nasulat ni Pinpin. 6. Pedro Suarez Osorio. Siya ang ipinalalagay na unang makatang Tagalog na napatala sa kasaysayan ng panitikang Tagalog. Nakilala rin siya sa pagsulat ng mga dalit. 7. Felipe de Jesus. Isang makatang Tagalog mula sa San Miguel, Bulacan. Pinahahalagahan sa kasaysayan ng panitikan dahil sa kanyang "Dalit na Pamucao sa Tauong Babasa Nitong Libro" na ang tinutukoy ay ang Barlaan at Josaphat. Si Felipe de Jesus ang nagpakita ng muling pagbabalik g talinghaga sa panulaang Tagalog. Tula niya ang Ibong Camunti sa Pugad. 8. Francisco Bencuchillo. Ang may-akda ng Arte Poetico Tagalo na lumitaw noong ika-18 dantaon. Sa aklat na ito ay tinalakay ni Bencuchillo ang iba't ibang sukat at taludturan ng tulang Tagalog. MGA AKDANG PATULA 1. Bugtong 2. Sabi o Kasabihan 3. Salawikain 4. Awiting Bayan o Kantahing Bayan 5. Pasyon 6. Awit at Korido MGA TULANG PANDULAAN O PANTANGHALAN 1. Karagatan 2. Duplo 3. Dalit 4. Juego de Prenda 5. Panubong o Pamutong Panahon ng hapon Bunga ng pag-unlad ng produksyon sa pagsasaka at pagsulong ng pakikipagkalakalan sa ibang mga dayuhan, ang pagkaunlad ng kabuhayan ay nakabuo ng pangkat na mga Pilipinong nakilala sa tawag na "Ilustrado" at sa tawag na "Middle Class". Sa pamamagitan nito, lumitaw ang henerasyon ng mga kabataang namulat ang mga kaisipan sa di pagkakapantay-pantay ng mga mananakop at sinasakupan. Sila ang mga Pilipinong nagising ang kamalayan sa pagiging api. Nang mga panahong iyon, tayo'y sunud-sunuran sa mga dayuhang panginoon, kahit na nakatataas ang kabuhayan ng ilan sa atin. Dahil sa mga pangyayaring ito, tinangka ng mga "ilustrado" na magpasok ng mga pagbabago. Ito'y hindi sa pamamagitan ng armas kundi sa pakikipagtagisan ng katuwiran sa katuwiran sa pasulat na pamamaraan. Isa ang tula sa naging kasangkapan sa pagpapahayag ng mga propagandista. Dito nailalahad nila ang kani-kanilang mga kuru-kuro o pala-palagay, damdamin at maging ang kanilang mga karanasan. Ang karaniwang tinutuligsa nila ay ang mga ginagawa ng mga prayle na sana'y yaong talagang masasabing kaugnay ng simbahan. Hindi lubhang nanuligsa sa mga taong pamahalaan dahil sa mga layunin lamang ng Propagandista ay pagbabago sa pamamalakad ng simbahan kaya't ang damdaming laban sa mga prayle ang nangibabaw dahil sila ang higit na may kapangyarihan kaysa mga taong pamahalaan. Mga Manunulat at Kanilang akda 1. Dr. Jose Rizal - Ala Juventud Filipina ( Sa Kabataang Pilipino) - Mi Ultimo Adios ( Ang Huli Kong Paalam) 2. Marcelo H. del Pilar - Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas Panahon ng Himagsikan Ang panahong ito'y nahahati sa dalawa - Pnahon laban sa Kastila at Panahon laban sa Amerikano. Bagama't maikli ang panahong nasasakop, maraming mga pangyayari ang naganap at naging makasaysayan sa bayan. Kabilang sa mga ito'y ang pagkakaroon ng pagpapalit ng pamamahala sa pamahalaan. Bigo ang mga hangarin ng mga propagandista. Bingi ang pamahalaang Kastila sa mga kahilingan sapagkat noong mga panahong iyon ay abala sa pansariling suliranin ang Espanya. Dahil dito'y patuloy pa rin ang pang-aapi at pandudusta, pagsasamantala at paghihigpit ng pamahalaan at simbahan sa mga Pilipino. Lumala ang ugnayang Kastila-Amerikano dahil sa mga tunay na pangyayaring naganap, ipinahayag ng mga Amerikano ang pormal na pakikidigma sa Espanya noong Abril 25, 1898. Inanyayahan ni Almirante Dewey ang mga Pilipino upang makipagtulungan sa mga Amerikano. Mga manunulat at kanilang Akda 1. Andres Bonifacio - Katapusang Hibik ng Pilipinas - Pag-ibig sa Tinubuang Lupa 2. Emilio Jacinto - Sa Anak ng Bayan 3. Apolinario Mabini - El Verdadero Decalogo ( Ang Tunay na Sampung Utos ) 4. Jose Velasquez Palma - Himno Nacional Filipino (Pambansang Awit ng Pilipinas) panahon ng amerikano Ang mga tulang nasulat pagkatapos ng naganap na Lakas ng Bayan o "People's Power sa Edsa ay nagpakita ng kalayaan sa pagpapahayag at maging sa paksa. Pinaksa ng mga tula sa panahong ito ang mga nagaganap sa kapaligiran at sariling mga damdamin ng mga makatang nagsisisulat ng tula. May mga tula ng pagpupuri at panunuligsa sa mga nanunungkulan sa pamahalaan at mga katiwaliang nagaganap sa lipunan. Sa madaling salita, patuloy ang kamalayang panlipunan ng mga makata sa panahong kasalukuyan. Nilayon ng mga tula sa kasalukuyang panahon ang maging kasangkapan sa minimithing pagbabago ng lipunang Pilipino. Sa istilo ng pagsulat ng tula ay nanatili pa rin ang dalawang paraan - may nagsisulat ng mga tulang may sukat at tugma at may nagsisulat sa malayang taludturan. Pangunahing layunin ng tula sa panahong ito ay makapaghatid ng mahalagang mensahe sa mga mambabasa. Bibihira ang mga tula ng pag-ibig ngunit unti-unting nabubuhay na paksa sa panulaan ang tungkol sa kalikasan lalo pa't may mga kampanyang inilulunsad ang pamahalaan sa pangangalaga ng kalikasan. Ang pagtula sa ibabaw ng tanghalan ay bihira nang mangyari maliban na lamang kung ito ay hinihingi ng isang pangyayari sa isang palatuntunang idinaraos. Ang indayog ng tula sa panahon nina Balagtas, Jose Corazon de Jesus, at Florentino Collantes ay wala na sa tanghalan. Ang Balagtasan ay bibihira na ring marinig kung kaya't nakalulungkot na kapag tinanong ng guro ang mga mag-aaral kung nakarinig na sila o nakapanood na ng Balagtasan, ang marami sa kanila ay hindi pa ang sagot. Ang pagbigkas ng tula sa tanghalan ay pinalitan ng pag-awit. Ang awitin/awit ay isa ring akdang nasa anyong patula na nilapatan ng himig. Ito ay nagpapahayag ng damdamin at karanasan ng may-akda. Sa kasalukuyan, ang mga awitin ay pumapaksa hindi lamang sa pag-ibig, kundi sa lahat ng mga nangyayari, nakikita at nararanasan ng tao sa kanyang pang-araw-araw na buhay. Katulad din ng mga karaniwang tula, ito ay maaaring pumupuri at nanunuligsa sa mga gawain at kaugalian ng tao. May mga awiting gumigising sa damdamin at nangangaral sa mga kabataan. Ang isang uri ng awitin na palasak sa kasalukuyan ay ipinalalagay na epektibo sa paghahatid ng mensahe sa mga mamamayan ay ang "rap" nina Francis Magalona at Andrew E. May mga awitin din na naririnig at nakikita sa telebisyon na habang inaawit ay ipinakikita naman ang mga tagpong may kaugnayan sa isinasaad ng awit. Ang Pambansang Awit ng Pilipinas ay inaawit sa telebisyon sa ganitong paraan. Ang "Magkaisa", isang awiting inawit sa Edsa noong naganap ang "People's Power."

Panitikan sa iba't ibang panahon

Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
View more PowerPoint from anakniapat
"> Panitikang Filipino sa Iba’t ibang Panahon 2. Panahon ng KatutuboBago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nangsining at panitikan ang mga sinaunang Pilipino.Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila gaya ng mgabulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan naanyong patula; mga kwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyanat ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunanganyo ng dula sa bansa.Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin-dila. May mga panitikan ringnasulat sa mga piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at makikinis nabato. Ngunit iilan na lamang ang mga natagpuan ng mga arkeologo(archeologists) sapagkat batay sa kasaysayan, pinasunog at pinasira itong mga prayle nang dumating sila sa bansa sa paniniwalang ang mga itoay gawa ng demonyo. 3. Pananakop ng Kastila• Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong Gs – GOD, GOLD at GLORY. Dumating sila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto at upang lalong mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang nasasakop. Mahahati ang panitikan sa dalawa sa panahong ito: una ay pamaksang pananampalataya at kabutihang-asal at ang ikalawa ay ang panitikang panrebolusyon. 4. Dahil sa pananampalataya ang pangunahingpakay ng mga Kastila, karamihan sa mgaunang akdang nalikha sa panahong ito ayhalos paksang pananampalataya. Halimbawaaytulang gaya ng mga pasyong inaawit. Sila rinang nagpakilala ng konseptong maharlika odugong bughaw sa mga Pilipino na mababatidsa mga akdang awit na ang mga pangunahingtauhan ay mga hari, reyna, prinsipe atprinsesa – isang patunay ang awit na Floranteat Laura ni Balagtas. 5. • Sa panahong ito, piling-pili lamang ang nakasusulat sapagkat wikang Kastila lamang ang kinikilala sa ganitong larangan. Kaunti lamang ang nakasusulat sa Kastila dahil sa pagpipigil, sa nadaramang takot at pagiging madamot ng mga Kastila.• Sa panahong ito nalimbag ang pinakaunang aklat sa bansa; ang Doctrina Cristiana na nalimbag noong 1953 na isang panrelihiyong aklat. Ang pasyon ang isa sa patulang anyo na makarelihiyon. 6. Sa ikalawang bahaging ito ng kasaysayang pampanitikan sapanahon ng pananakop ng Kastila, karamihan sa mga panitikangnalikha ay may diwang rebolusyonaryo at nagbukas sa kamalayangPilipino sa di-makataong pagtrato sa kanila ng mga Kastila at nag-uudyok na kalabanin ang pamahalaan.Dahil sa labis na pang-aalipin at pang-aalispusta at masidhingdiskriminasyon ng mga Kastila sa mga Pilipino; nagsilunsad ng mgakilusan ang iilang Pilipinong hindi na sumasang-ayon sapamamalakad ng mga prayle at pamahalaang Kastila.Nagsisulat ang mga Pilipino sa panahong ito ng mga panitikangnagrerebolusyon. Nalathala ang mga pahayagang propagandista napinangunahan ng La Solidaridad noong Pebrero 19, 1889 nanaglalayong “matamo ang pagbabagong kailangan ng bansangbilang tugon sa kalagayang panlipunan at pang-ekonomiya, maisiwalat ang malubhang kalagayan ng bansa sailalim ng pamamalakat ng mga Kastila at upang pairalin angkalayaan at demokrasya.” 7. • Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago ang mga manunulat sa ilalim ng iba’t ibang sagisag-panulat upang maprotektahan ng mga sarili laban sa mapang-alipustahang Kastila at upang patuloy na makasulat. Ang pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na may sagisag- panulat na Laong Laan ay naging bahagi ng pahayagang La Solidaridad; at ang may-akda ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na unang nalimbag at nalathala sa Espanya at naging mitsa sa mga rebolusyonaryong Pilipino na mag-aklas laban sa mga Kastila. Sumulat din si Rizal ng mga sanaysay gaya ng Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino at Sa Mga Kabataang Dalaga sa Malolos. Ang mga bayaning sina Marcelo H. Del Pilar (na may sagisag- panulat na PLARIDEL), Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Pedro Serrano Laktaw, Emilio Jacinto, Apolinario Mabini, at marami pang iba ay nagsisulat din. 8. Pananakop ng AmerikanoDahil sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mgaKastila, naging tagapagsagip ang mga Amerikano nangdumating sila noong 1898 na tuluyang nagpabagsak sapamahalaang Kastila.Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Kastila saPilipino, edukasyon naman ang naging pangunahing ipinamanang mga Amerikano. Sa panahong ding ito isinilang ang mgailang imortal na makatang Pilipino na nagsisulat sa Ingles at Tagalog. 9. Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikanosa bansa, sumulat ang mga Pilipino saKastila, Tagalog at iba pang wikang panlalawigan.Nagsimula lamang umusbong ang mga panitikansa Ingles noong 1910 dahil sa mga bagong silangna manunulat.Kabilang sa mga manunulat sa panahong ito sinasi Jose Corazon de Jesus na tinaguriang Makatang Pag-ibig at may mga panulat-sagisag na‘Huseng Batute’ at ‘Huseng Sisiw’ dahil sisiw angipinababayad kapag nagpapagawa sa kanya ng 10. Pananakop ng Hapon• Sa pambobomba ng Amerika sa Hiroshima, gumanti ang Hapon sa paglusob nito sa Pearl Harbor noong Disyembre 7, 1941. Dahil nasa isalalim ng kolonya ng Estados Unidos kaya’t sinakop ng Hapon ang Pilipinas. Ngunit para sa karamihang manunulat na Pilipino, isang biyaya sa larangang panitikan ng bansa ang pangyayaring ito. Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa. Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng kanluraning ideya ang panitikang nililikha. 11. • Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong Panahon ng Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito. Dahil sa dinalang haiku (maikling tulang may tatlong taludtod at may bilang na pantig na 5-7-5 sa taludtod), nagkaroon ang mga Pilipino ng tanaga (maikling tulang may apat na taludtod at ang bilang ng pantig ay 7-7-7-7) 12. KASALUKUYANG PANAHON• Naging makasaysayan sa mga Pilipino ang pagbabalik ng kanilang kalayaan noong Hulyo 4, 1946 mula sa kamay ng mga Hapon. At dahil sa kalayaang natamo, higit ring sumigla ang kalayaang pampanitikan ng bansa. Bilang patunay ng kasiglahan ng panitikang Filipino sa iba’t ibang uri sa panahong ito ay ang pagkakalimbag ng mga sumusunod na katipunan ng mga aklat: Mga Piling Katha at Mga Piling Sanaysay ni Alejandro Abadilla, Maiikling Kwentong Tagalog ni Teodoro Agoncillo, Ako’y Isang Tinig ni Genoveva Edroza-Matute at marami pang iba. Kinilala rin buhat sa panahong ito ang mga panitikang panlalawigan dahil sa mga inilunsad na mga pambansang pananaliksik at pagsasaling-wika ng panitikan ng Pilipinas. Lalo pang sumigla ang panitikang Filipino nang ilunsad ang gawad Carlos Palanca Memorial Awards for Litetature. Sumilang din sa panahong ito ang aktibismo ng mga batang mag-aaral noong nagsisimula ang dekada ’80 at ang kanilang panitikang aktibista gaya nina Virgilio Almario (na may sulat-panulat na Rio Alma) at Quintin Perez. 13. • Sa kasalukuyan, sinasalin ang mga panitikan hindi lamang sa mga pahayagan, magazine at aklat, hindi lamang sa anyo ng pelikula, palabas pantelebisyon o kaya’y programang panradyo; kundi sa pamamagitan din ng hi-technology – ang Internet. Dahil sa internet nagkaroon ng blogging, video clipping at audio airing na patuloy na bumubuhay sa panitikan hindi lang ng Filipino kundi ng ibang lahi mandin. Patuloy na dumarami ang mga manunulat na Pilipino sa iba’t ibang anyo at uri ng panitikan gamit ang iba’t ibang media dahil sa mga inumpisahang kurso sa mga universidad at kolehiyo at pangangasiwa ng gobyerno ng mga pagsasanay sa mga kinakikitaang husay na mga mamamayan. Ngunit ang kasiglahan ng panitikan ay hindi magiging buo kung aasahan lamang ang pagdami at pag-usbong ng mga manunulat; kailangan din ang pagpapahalaga at pagmamalasakit ng mga mambabasa na katuwang sa pagtaguyod ng panitikan ng lahi.• 14. END

Monday 4 June 2012

Mga Uri Ng Pang-Uri

Uri ng Pang-uri 1. Pang-uring panlarawan Ang mga likas na pamng-uring nagpapakilala ng katangian ng pangngalang binibigyang-turing. Halimbawa: matayog na pangarap malapalasyong bahay 2. Pang-uring pamilang Ito ay nagpapakilala ng bilang, halaga o dami ng binibigyang-turing na pangngalan o panghalip. Maaring tiyak o di-tiyak. Halimbawa: di-tiyak: mga marami kaunti tiyak: dalawa isa sampu, etc… tig-apat Uri ng pang-uring pamilang 1. Patakaran o Kardinal Ito ay gamit sa bilang o dami Halimbawa: sandaan sanlibo • Pamahagi Ito ay pamilang na bahagi ng isang buo o mahigit sa isang buo. Halimbawa: kalahati bahagdan (1/100) kaapat (¼) • Pahalaga Ito ay nagsaad ng halaga ng mga bagay. • Palansak Ito ay nagsasaad ng bukod na pagsasama- sama ng mga tao o bagay. Halimbawa: dala-dalawang bata pito-pitong dahon 1. Panunuran Ito ay nagpapahayag ng pagkakasunod-sunod ng bilang. Halimbawa: una ikalima/ika-5 pangalawa ikasiyam/ika-9 Kailanan ng Pang-uri a. Isahan Karaniwang payak ang pang-uri at nagpapakilala sa tulong ng pamilang ng isa, mga panghalip na isahan at ng panandang ang at si. Halimbawa: Isang masipag na magwawalis si Mang Tasyo. b. Dalawahan Nakikilala ito sa pang-uring pamilang na dalawa: sa paggamit ng unlaping magsing-, magka-, magkasing-, at ng iba pang unlaping kapwa, kambal, at iba pa. Halimbawa: Kapwa masipag ang mag-asawang Tomas at Nena. c. Maramihan Ginagamitan ito ng panandang pangmaramihan tulad ng: mga; ng pang-uring pamilang na maramihan tulad ng tatlo, sampu, sandaan at iba pa; at ng pang-uring inuulit ang unang pantig ng salitang ugat tulad ng magaganda, ang yayaman, at iba pa. Halimbawa: Himbing na himbing pa ang mga taga-baryo. Ang dami-dami ng kalat sa labas ng bakuran ni Aling Iska.

PONEMA

Ponema Ponema - ang pinakamaliit na unit ng makabuluhang tunog. 0Ang pag-aaral ng ponema ay binubuo ng segmental at suprasegmental. Segmental = ay ang tunay na tunog at ang bawat tunog ay kinakatawanan ng isang titik sa ating alpabeto. Suprasegmental = ay ang pag-aaral ng ng diin (Stress), tono (tune), haba (lengthening) at hinto (Juncture). Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan, layunin o intensyon ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng mga ponemang suprasegmental o ng mga haba, diin, tono at hintosa pagbibigkas at pagsasalita. 1. Haba * ito ay ang pagbigkas nang mahaba sa patinig (a, e, i, o, u ) ng bawat pantig. * maaaring gumamit ng simbolong tuldok (. ) para sa pagkilala sa haba. * mga halimbawa ng salita: bu.kas = nangangahulugang susunod na araw bukas = hindi sarado 2. Diin *tumutukoy ito sa lakas ng pagbigkas s isangpantig ng salitng binibigkas. *maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik. *Mga halimbawa ng salita: BU:hay = kapalaran ng tao bu:HAY = humihinga pa LA:mang = natatangi la:MANG = nakahihigit; nangunguna 3. Tono * nagpalilinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap * Tulad ng pag-awit, sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at mataas na tono. * maaaring gamitin ang blg. 1 sa mababa, blg. 2 sa katamtaman at blg. 3 sa mataas. * halimbawa ng salita: Kahapon = 213, pag-aalinlangan Kahapon = 231, pagpapatibay talaga = 213, pag-aalinlangan talaga = 231, pagpapatibay 4. Hinto *ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensahe. *maaring gumamit ng simbolo kuwit( , ), dalawang guhit na pahilis ( // ) o gitling ( - ) * mga halimbawa ng salita: Hindi, siya ang kababata ko. Hindi siya ang kababata ko. Pang-uring Pamilang Posted by Bokals on Friday, August 27, 2010 Labels: Pang uri Ang mga pang-uring pamilang ay ang mga sumusunod: 1. Patakaran - ito ay ang karaniwang paraan ng pagbilang. Halimbawa: Sampung mag-aaral ang tumanggap ng paghanga. Sanlibong punongkahoy ang itinanim ng mga magsasaka. 2. Panunuran nagsasaad ng ayos o pagkakasunud-sunod ng mga tao o bagay. Halimbawa: Siya ay ikalawang humingi ng tulong. Ako ay ikalima sa hanay. 3. Patakda - ito ay nagsasaad ng tiyak o hustong bilang. Halimbawa: Sasampung piso ang natira sa pera niya. Si Teresa ay nag-iisang anak. 4. Pahalaga - ito ay tumuturing sa halaga ng isang bagay. Halimbawa: Tiglilimampiso ang bili ko sa mga aklat na ito. Mamera ngayon ang halaga ng mga bayabas. 5. Pamahagi - nagsasaad ng pagbabahagi ng isang kabuuan. Halimbawa: Kalahatiang ibinigay ko sa kanyang buwanang sahud. Kunin mo ang ikatlo ng pizza. 6. Palansak - nagsasaad ng maramihan o minsanang bagay. Halimbawa: Daang-libong piso ang pinuhunan ko sa kalakal. Ang sasakyang ito ay may upuangpandalawahan.

Mga Elemento ng Tula

Mga Elemento ng Tula A. Tugma - nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin mang paraan ng pagtutugma 1. Mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g, p, t, s ay nagtutugma ang dulumpatig 2. Mga nagtatapos sa l, m, n, ng, w, r, y B. Sukat - tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod C. Paksa - maraming maaaring maging paksa ang isang tula D. Tayutay - paggamit ng pagwawangis (simile) pagtutulad (metaphor) pagtatao (personification) ay ilang paraan upang ilantad ang talinghaga sa tula E. Tono/Indayog - dapat isaalang-alang ang diwa ng tula F. Persona - tinutukoy nito ang nagsasalita sa tula - una, ikalawa o ikatlong panauhan G. Kariktan ng tula - nagbibigay ng pangkalahatang impresyon sa bumabasa

Mga Uri ng Tula

Ang Tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud. Ito ay may sukat at tugma o malaya man ay nararapat magtaglay ng magandang diwa at sining ng kariktan. Mga Uri Ng Tula Ang Tula ay may apat na uri at bawat isa sa mga uring ito ay may kaniya-kaniyang bahagi.Ang mga uri ng tula ay ang sumusunod.Tulang Liriko o Tulang Damdamin, Tulang Pasalaysay o narrative poetry sa ingles, Tulang Patnigan at Tulang Pantanghalan o Padula. 1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry) .Ang Tulang liriko na uri ng mga tula ay hindi nagpapahayag sa isang kuwento na naglalarawan sa karakter at aksyon. Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa, ang kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepsyon. URI NG TULANG LIRIKO A. Awit – Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na dulong tugma ay isahan.Ito ay ang karaniwang awiting ating naririnig.Karaniwan itong may malungkot na paksa - sad love songs kumbaga. B. Soneto – Isang tula na karaniwang may 14 linya.Hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao. MAGSAYA TAYO Sonet Na Malagkit Fermin S. Salvador Alay ko'y soneto na waring kakanin, Gawa sa galapong na may kakanggata, May konting asukal at saka ininin Sa minana-mana pang aserong kawa - Bagaman ang uso ay mga rakenrol, Tinitimpla'y tipa sa gitarang buhay Nilang maiingay, may bajo at tambol, Kumbaga sa fastfood: burger at pitsapay. Alay ko'y soneto, tula at di hip-hop Na katerno'y mga damit na maluwag; Aking talinghaga, kahit ka maghubad Ay sasamahan ka ngunit nakadilat. Kahit pa ang rima sa kalye'y magkalat, Inuyat kong sonet, didikit sa utak. C. Oda – Ang oda ay karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o dedikado sa isang tao o isang bagay na kinukuha interes ang makata o nagsisilbing isang inspirasyon para sa oda. Oda para kay Mang Johny ni bernardumali Itong larawan mo waring aklat ng kasaysayan, gumuhit sa alaala malinaw sa’king balintataw. Tila naririnig ko ang mga bomba, ang eroplanong pandigma ng Hapon na nag-iitsa ng dinamitang mumuntik ng humuhukay ng libingan mo. Waring nakita kitang umiiwas. Sa iyong pagsasalaysay nahagip ko ang sugat na lumuray at muntik ng pumilay sa iyong paa. Narinig ko ang usal mo sa Maykapal ang pagpapaubaya sa kanya ng iyong kaluluwa. Subalit hindi pa wakas bagkus ay rekado lamang ng mala-chopseuy mong buhay. Sa Taft Avenue, hindi ko nakikita ang Pan Pacific ni ang Landbank; tinatagos ng mga mata, tinatanaw ang dagat. Sa iyong masayang kwento nakikita ko ang mga mongha sa beaterio; ang mga mag-aaral ng altasesyodad. Nalilimot ko ang malagkit na lamyos bagkus ramdam ko ang masuyong hangin. Ang busina ng jeep ay napapalitan ng malalakas na hampas ng along sumasampa sa aplaya’t sabik sumuson sa mga kaibigang alon. Sa sinehan ng Robinson boudavil ang bumibida sa akin. Tila ang Clover Theater ay buhay na buhay waring nakipagkamay ako kay Pilita, habang iyong ipinakikilala sa akin; habang inaayos mo ang kanyang buhok. Malambot at maiinit ang kanyang kamay. Tama ka. Mabuti siya’t sinsero. Walang sinabi si Markova, humahanga ako sa iyong pag-ibig, humahagikgik sa iyong kapilyuhan. Kung paanong pinaiikot sa iyong palad ang mga dayuhang Hapon at Amerikano. Gayunman, hindi ko maiiwasang maluha sa miminsang kwento mo patungkol sa iyong anak. Kabiguan marahil, narinig ko ang iyong hikbi isang hapon, sa altar. Naramdaman ko ang bigat ng loob mo at pangungulila. Narinig ko ang iyong sumbong sa kanya at sa kapatid mo sa Maryland. Nauunawaan ko ang kahulugan ng panalangin sa iyong binabatang pagdaramdam. Paumanhin, Mang Johny Kung hindi ko natupad ang bayograpi na iyong pinasusulat sa ingles. Alam mong mahina ako rito at walang sapat na oras. Subalit maniwala ka, nagbalik ako taong 2002. Wala ka, maysakit ka raw. Sa wakas ay nasa piling ng iyong anak, marahil inaaruga, Hindi ko nagawang hanapin pa ang iyong kinaroroonan. Mas kailangan mong magpalakas. Nakarating sa akin ang balita, sumakabilang buhay ka na raw. Nanghihinayang ako’t di na muling nagkita at sa kwentong sana’y narinig o nabasa madla. Panatag ang loob kong payapa ka na, hindi ko man nagawang isulat buhay pa rin ang iyong alaala. Hindi ko rin tinunton ang iyong hukay pagkat sapat ng maalala kita sa aking isipan. Narito ang iyong hantungan buhay ka rito. Walang pagtangis, gaya ng madalas mong salubong sa aming nangupahan, nakinig sa iyong mga salaysay, sa aming alaala masigla ka… maligaya. Buhay na Buhay! D. Elehiya – Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan. ELEHIYA KAY INAY Kung ang kamataya’y isang panibagong paglalakbay aking Inay Sa iyong pagtawid ala-ala nami’y baunin Pagmamahal mo, pagkalinga, mga pagtitiis at pagdurusa Ngayo’y nakatakas ka na Habang nakamasid ka sa ‘ming iyong naiwan sa mga ibong nakasama mo, sa mga talangka at sigay na naging laruan mo sa mga along kahabulan mo at sa malawak na buhanginang naging palaruan mo Nawa’y naalala mo ang mga ito sa paglisan mo Mag-isang ninanamnam ang kalinga ng kalikasan habang isang ala-ala na lamang ang yakap ng iyong ina sa oyayi ng hangin, ipinaghele ka, sapagkat ika’y maagang naulila Lumaking salat sa pagmamahal sa magulang Tanging kaibigan naging takbuhan Inulila pa ng kapatid na turan animo’y isang sadlak sa dusang nilalang Pagkat ang isang kaibiga’y lumisan Tuluyan nang humalik sa lupa ang sarangolang dinagit ng hangin, Tanging pumpon ng bulaklak sa malamig na bato ang tangan mo Nakaukit na ang pangalan mo Ang naiwan sa ami’y mga ala-ala mo Nang isang inang kasabay kong nangarap, lumipad, kumalinga at sumalo sa aba ko. Sa bawat ngiti ng mga munting anghel na kinalinga mo isang munting kaluluwang pinanabikan mo Konting sulyap lamang sana anak ko Kahit ako’y malamig ng tila yelo Ngunit ito’y ipinagkait mo Ngayon aking ina sa iyong paglalakbay Baunin mo ang aming pagmamahal Ihalik sa hangin aming mga pagmamahal Ibulong sa Diyos na kami’y bantayan Yakapin ng pagmamahal kahit sa panaginip lang Nawa sa iyong pagtawid sa kabilang buhay masilayan mo ang kaginhawahang di natikman sa palad ko E. Dalit – isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon, partikular na nakasulat para sa layunin ng papuri, pagsamba o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa isang Diyos o sa isang kilalang pigura o maliwanag na halimbawa. at may kahalong pilosopiya sa buhay. -Ang dalit ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng walong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada saknong at may isahang tugmaan. (Talagang nakagigimbal ang Maguindanao massacre na naganap noong Nobyembre 23, 2009. Kalunos-lunos ang sinapit ng limampu’t pitong taong walang awang pinaslang. Itong abang tula ay alay ko sa kanila at sa kanilang mga pamilya…) Ang panaghoy ng damdamin Mga buhay nang kitilin Parang hayop ang kahambing. Sila’y makabagong Cain… Panginoon, sana’y dinggin Itong munting panalangin Katarunga’y aming hiling Salarin ay panagutin. 2. Tulang Pasalaysay (narrative poetry) – isang tula na may balangkas. Ang tula ay maaaring maikli o mahaba, at ang mga kuwento na may kaugnayan sa maaaring maging simple o kumplikadong pangyayari. Ito ay karaniwang hindi madrama, nagkukuwentong tula gaya ng mga epiko, ballad, idylls at lays. URI NG TULANG PASALAYSAY A. Epiko – ay isang mahaba kuwento/tula, kalimitan tungkol sa isang seryosong paksa na naglalaman ng mga detalye ng kabayanihan gawa at mga kaganapan ng makabuluhang sa isang kultura o bansa. HAL. BIAG NI LAM-ANG B. Awit - Ang sukat ng bawat saknong ay lalabindalawahing pantig - Mabagal ang pagbigkas o pag-awit nito kaya madamdamin - Higit itong makatotohanan dahil ang paksa ay malapit sa kasaysayan -Higit na buhay at masigla ang damdamin nito HAL.. FLORANTE AT LAURA C. Korido -Ang sukat ng bawat linya sa isang saknong ay wawaluhing pantig - Mabilis ang pag-awit o pagbigkas nito tulad sa mabilis na pagsasalaysay - Ang paksa ay alamat at pantasya, may kapangyarihang supernatural ang tauhan kung minsan - May malalim na damdaming relihiyoso HALIMBAWA…..IBONG ADARNA D. PASYON Ang Pasyon ay isang naratibong tula ng Pilipinas, na nagsasaad ng buhay ni Kristo, mula kapanganakan hanggang sa pagkapako niya sa krus. Ang unang Pilipinong sumulat at kumanta ng pasyon sa Tagalog ay si Padre Gaspar Aquilino de Belen, isang katutubo ng Rosario, Batangas. E. BALADA c. Karaniwang Tulang Pasalaysay – Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa araw-araw na buhay. 3. Tulang Patnigan (joustic poetry) – Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan. A. Balagtasan – Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pngangatwiran sa isang paksang pagtatalunan. Ito’y sa karangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar. B. Karagatan – Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na “libangang itinatanghal” na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat. D. Duplo – Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at mga kasabihan. 4. Tulang Pantanghalan o Padula – karaniwang itinatanghal sa theatro.Ito ay patulang ibinibigkas na kung minsan ay sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang awitin.Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, o dili kaya’y naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay A.MORO-MORO Ang moro-moro ay isang dula noong panahon ng mga kastila. Ito ay pagsasadula ng paglalaban ng mga moro laban sa kristiyano. B.KOMEDYA Ang Komedya (Comedy) ay isang termino mapa-pelikula man o entablado. Ito ay ginagamit kung saan ang mga nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan o lihitimong pagpapatawa sa bawat salitang mamumutawi sa kanyang bibig. C. BALAGTASAN Ang balagtasan ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtutula. Inimbento ito noong panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerika, base sa mga lumang tradisyon ng makatang pagtatalo gaya ng karagatan, huwego de prenda at duplo. Ang pinagmulan ng pangalan na balagtasan ay ang orihinal na apelyido ni Francisco Baltazar, Balagtas, dahil ginawa ito para sa okasyon ng pagdiwang ng anibersaryo ng kanyang kaarawan. Ang balagtasan ay hawig sa isang duplo. Ang mga kasali dito ay gumaganap na nasa isang korte na sumisiyasat sa kaso ng isang hari na nawala ang paboritong ibon o singsing. May gumaganap nafiscal o tagausig, isang akusado,at abogado. Ito ay magiging dibate o sinasabing tagisan ng katwiran sa panig ng taga-usig at tagapagtanggol at maaaring paiba-iba ang paksa. Bagamat ito ay lumalabas na dibate sa pamamaraang patula, layunin rin nito na magbigay aliw sa pamamagitan ng paghahalo ng katatawanan, talas ng isip, na may kasamang mga aktor sa isang dula. Ang balagtasan ay ginamit ng mga manunulat upang maipahiwatig ang kanilang palagay sa aspetong politika at mga napapanahong pangyayari at usapan. D. BATUTIAN Ang “batutian” na hinango naman sa pangalan ni “Huseng Batute,” ang alyas ni De Jesus. Bambu Inglis vs. Wikang Pambansa (Batutian) Lakambini (kay Huwan): Namamanaag na sa dakong silangan Ang kulay ng iyong magandang liwayway; Bukas, sa pagsikat ng palalong araw, Isa kang watawat na mamamagayway! Mula sa Kanluran: dinala ng alon Sa iyong pasigan ang tapat na layon; Sa buton ng abo: ikaw ay babangon Na malayang bayan sa habang panahon. Paulo: Huwan,tanggapin mo ang pakikilugod Ng isang kasama sa tuwa at lungkot, Binabati kita: ang tapat na loob Ay madarama mong laging naglilingkod. Huwan: Tapat na dibdib ay iyong damahin At pasasalamat ang tibok na angkin Ako’y sasaiyong gunita’t panimdim Habang ang silangan ay silangan pa rin. Paulo: Kaya, nang malubos ang pagkabanas mo, Ako ay may isang mungkahi sa iyo: Tagolog na ingles ang panukala ko Na wikang gamitin-du yu get mi ako? Huwan: Ano, mister Paul, nalalaman mo ba Kung ano ang iyong tinuran kanina? Paulo: Wat is rong may pren Wan, sa nasyonal langweds Kung ito’y gagawing Pilipinais Ingles? Huwan: Sa iyong sarili’y manainga ka nga, Kung ano ang iyong dinalit na wika; Kung ganyan, katoto, ang wikang pambansa: Anong wika iyan-mestisong baluga? Paulo: Huwag kang magtawa-do yu nat anderstan Ang ingles na wika ay pangyunibersal; Bilang isang nesyon: kinakailangan Na maanderstan ka ng iba pang bayan. Ang Tagalog langweds ay pang Pi Ay lamang, Di maikukumper sa Ingles, mister Wan; At sa diplomatik na mga usapan, Magagamit mo ba ang langweds mong iyan? Huwan: Dapat mong mabatid na ang pagkabansa Ay makikilala sa sariling wika, Bakit pipiliting ako’y magsalita Ng wikang di akin-hiram at banyaga? Paulo: Tingnan mo nga kami-bakit ang inadap Ay wikang mula pa sa ibayong dagat? Tulad ng Bretanya: kami ay umunlad Gayong wikang hiram ang aming binigkas! Huwan: Kung iyan ang iyong wikang sinasabi, Wikang pinagmula’y higit na mabuti. Paulo: Tingnan ang Hapon sa klos dor palisi Ang ginamit lamang ay wikang sarili; En wat is di risolt op dat pangyayari, Natutong sulatin ay magulong kandyi. Huwan: Nakakatawa ka, hindi naging hadlang Sa bayan ng Hapon ang wikang minahal; Ang simula”t dulo ng ganyang dahilan Ay dala ng kanyang mga kaimbutan. Paulo: Kaya tingnan natin kung saan hahantong Ang nasyonal langweds na onli por pinoy. Huwan: Ang nakakatulad nitong pagtatalo: Pork tsap at hambardyer ang wikang Ingles mo; Ang wikang Tagalog naman ay adobong Masarap sa akin nguni’t di mo gusto. Dapat mong malamang ang wikang pambansa Ay kinamulatan mulang pagkabata; Ito ay ang buhay, kaluluwa at diwa. . . Ng pagkalahi ko sa balat ng lupa! (Wakas)